Nasilip ng Commission on Audit (CoA) ang mahigit sa P10-milyon foreign assistance fund na hindi nagastos ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at mga naapektuhan ng kalamidad sa bansa.

Sa 2017 Audit Report ng COA, lumalabas na aabot sa P900,000 halaga ng donasyon na nakalaan sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ at ‘Frank’ ang hindi pa umano natatanggap ng mga benepisyaryo.

Kabilang na rito ang suportang pinansiyal para sa mga OFW na sina Wilfredo Bernales sa Jeddah, Saudi Arabia; at Manuel Edgardo sa Chile, na hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay.

Mahigit din sa P650,000 donasyon ang natanggap ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Berlin, Germany para sa Yolanda victims; habang halos P200,000 halaga naman ng tulong ang inilaan kay Bernales.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, wala pang naire-remit na typhoon assistance ang konsulado sa San Francisco, at sa mga embahada sa Brussels, London, New Delhi, Beijing, Port Moresby at Tokyo.

Kinuwestiyon din ng CoA ang P9.7-milyong benepisyo na natanggap ng DFA mula sa amo ng mga pumanaw na OFW sa 11 bansa, dahil hindi pa rin umano ito natatanggap ng mga naulilang pamilya.

-Jun Fabon