PINAKAMARAMING nakamit na gintong medalya ang mga arnisador mula sa National Capital Region (NCR) sa idinaos na PEKAF National ‘Battle of Champions’ kamakailan sa Le Pavilion sa Pasay City.
Tampok ang pagwalis ng Big City sa non-traditional category ng women’s division sa pagreyna ni Jedah Mae Soriano na gumapi kay Evelina Burdette ng Luzon habang nakuntento sa bronze si Alona Mae Miravillas ng Visayas.
Double-gold naman ang NCR best bet Mary Allin Aldeguer sa doubles category at open matapos manaig sa Visayas bets na sina Mary Joyce Debulos at Alice Rimput upang mamayagpag sa torneong inorganisa ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation of the Philippines sa pamumuno ni PEKAF head Senator Juan Miguel Zubiri at pangangasiwa ni EVP at Tournament Director Gerald Canete.
Nakaginto rin sa traditional category si Daniel Berna nang pulbusin sa final si Polgen Patalinhug ng Visayas gayundin ang ka-NCR nitong si Jeric Ace na namayani sa doubles habang may isang pambato ng Mindanao na bumali sa winning momentum ng NCR sa katauhan ni Alicia Rimout ng Visayas.
Hari ng non-traditional singles event si Danilo Cupag ng Luzon habang reyna ng traditional singles si Eza Rai Yalong.
Si Elmer Manlapas ng Luzon ay nakahirit din ng gold sa Singles nang gapiin si Manila bet Allan John Utraga