HINDI na inilihim ni Dion Ignacio ang pagkakaroon niya ng anak, ang one year-old baby girl na si Dylanne Jailee sa girlfriend niyang si Eilene. Biniro namin si Dion kung masaya ba ang may baby, at bakit mukhang hindi siya tumatanda, ganoon pa rin ang hitsura niya nang makasama siyang finalists sa first batch ng StarStruck.

“Masaya po, may partner na ako, may baby pa, nakakawala ng stress, lalo na kung galing ako sa work,” kuwento ni Dion. “Masarap po na may nag-aalaga na sa akin. Sa bahay po nila sa Bacoor, Cavite kami nakatira. Siya na po ang pakakasalan ko, kapag nakaipon na kami, ayaw ko pong masira ang family ko. Matagal na rin kami.

“Thankful po ako sa GMA dahil hindi nila ako pinababayaan. Last ko pong project sa kanila, ang Mulawin Vs Ravena. Kaya po ganoon ako ka-loyal sa kanila, kung wala akong project, naggi-guest ako sa mga shows nila, at isinasama rin nila ako sa mga regional shows, tulad po ngayon na nagpu-promote na kami ng Victor Magtanggol.”

Kumusta namang katrabaho si Alden Richards na first time pala niyang makakasama?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Mabait, makulit, masayang kasama, napaka-humble. Kaya hindi ako magtataka sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Parang hindi siya napapagod, lagi pang nakangiti kahit madaling-araw na nagti-taping pa rin kami.

“Ako rito si Percy, ang devoted at funny husband ni Lynette (Chynna Ortaleza), bayaw ko si Victor na kung tawagin ko ay ‘bayong’ para maiba naman sa ‘bayaw.’ Ako ang makakapansin na mayroon siyang special power pero hindi ko iyon sasabihin sa iba. Masaya po ang aming taping, masaya ang pamilya namin, pero si Victor, hindi makatitiis na hindi hanapin ang nanay nila, kaya aalis siya, at doon na magsisimula ang lahat.”

Kasama din ni Dion sa Magtanggol family sina Al Tantay, Lindsay de Vera, at si Yuan Francisco as Meloy, anak nila ni Chynna. Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood na ang Victor Magtanggol simula sa Lunes, Hulyo 30, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora Calderon