Walang kinalaman si Pangulong Duterte sa pagpapatalsik sa puwesto kay Davao del Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker para palitan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, nilinaw kahapon ng Malacañang.

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagpapalit ng liderato sa Kamara ay pasya lamang ng mga kongresista, at hinamon ang sinuman na magpakita ng ebidensiya na nakialam ang Presidente sa mga pagdedesisyon sa Mababang Kapulungan.

“I would have to state the choice of Speaker was made by the members of the House alone,” sinabi ni Roque sa press conference sa Zamboanga Sibugay.

“I challenge any congressman to publicly say that the President called them to vote for a particular candidate because the President did not do that. The President did not interfere. This was purely a decision of the members of the House of Representatives,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Genalyn D. Kabiling