CalumpitBulacan – Maaraw ang maaliwalas ang panahon sa Calumpit, Bulacan nitong Miyerkules, subalit makikita ang mga residente na nagmamadaling naglalakad sa pagkakalusong sa tumataas na baha, aabot sa isa hanggang limang talampakan ang taas, upang makalikas at maiakyat sa mataas na lugar ang kanilang mga sasakyan at kagamitan.

Mahigit isang libong katao, kabilang ang mga batang natakot sa biglaang pagtaas ng tubig sa kanilang bayan galing sa mga kalapit na lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga, ang dumagsa sa mga evacuation center sa Meysulao multipurpose evacuation center, sa GMA-Kapuso Multi-EC Buguion, mga bike at tent, at barangay hall, sa San Miguel evacuation center, sa mga Gatbuca tent, at sa Northville 9 Elementary School.

Ayon kay Liz Mungcal, ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, bandang 6:00 ng gabi nitong Miyerkules nang biglaang malubog sa baha ang 30 barangay sa Calumpit.

Batay sa ulat ni Mungcal kay Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, lubog sa baha ang mga barangay ng Balungao, Bulusan, Calizon, Corazon, Frances, Gatbuca, Gugo, Meysulao, Meyto, Panducot, Poblacion, San Jose, San Miguel, Sapang Bayan, Sta. Lucia, Sto. Niño, Sucol, Balite, Buguion, Caniogan, Palimbang, San Marcos, Iba Este, Iba O Este, Iba O Este Northville 9, Piocruzcosa, Calumpang, Longos, Pungo, at Sergio Bayan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Bungcal kay Alvarado na nasa 17,862 pamilya, o 75,709 na katao ang apektado sa pagbabaha sa 30 barangay, subalit nasa 254 na pamilya, o 1,062 katao lang sa pitong barangay ang nailikas sa pitong evacuation center.

-FREDDIE C. VELEZ