Ni Edwin Rollon

PANGUNGUNAHAN ni reigning International Boxing Federation (IBF) worls super flyweight champion jerwin Ancajas ang pagsabak ng mga local fighters sa kakaibang laban ng kanilang career – ‘three-point shootout’ – ngayon sa ‘King of Threes’ Boxers Day sa Taft Food by the Court, sa Taft Avenue cor. Sanchez St., Pasay City.

MITRA: Palalakasin ang kampanya sa doping test para maprotekyunan ang mga local fighters tulad ni Ancajas.

MITRA: Palalakasin ang kampanya sa doping test para maprotekyunan ang mga local fighters tulad ni Ancajas.

Sa inisyatibo ni Game and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, limang boxing stables ang makikiisa sa torneo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumpirmadong lalahok sa five-man team competition at individual category ang mga boxers mula sa Olivetti Boxing Stables, Survival Camp, Gandeza Boxing, Hardstone Stable at Highlands Boxing Stable. Lalahok din ang koponan ng GAB at Media Team-TOPS.

“Yan kasing mga boxers pag nagkikita sa ring lagi, pag wala namang laban busy yan sa training. This time, maiba naman yung mundo nila and this initiative is part of our effort to foster camaraderie among our local boxers,” sambit ni Mitra.

Kamakailan, binigyan ng GAB, sa pamumuno ni Mitra at Commissioners Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ng sanctioned ang  ‘King of Threes’ 3-point championship, para maging tanging professional 3-point shooting league sa bansa.

Sa ilalim ng Presidential Decree 871, ang GAB ay nay kapangyarihan na mag-supervised at mag-regulate sa professional sport tulad ng basketball, football, boxing, golf, billiards, motocross, triathlon , gayundin ang muay thai at esports.