PUMIRMA uli ng kontrata si Ai Ai Delas Alas sa Hobe bilang endorser ng Quick Cook Noodles nito noong Miyerkules ng hapon.

Aiai copy

Natanong si Comedy Queen kung tinaasan ang kanyang talent fee sa panibago niyang kontrata at natawa lang si Ai Ai, na kaharap noon ang owner ng Hobe na si Mr. Bobby. Sinabi naman ng huli na siyempre ay dadagdagan ang TF ni Ai Ai kaya inspired siyang lalo na pirmahan ang panibagong kontrata.

“This is another blessings from the Lord dahil ika-four years ko na ngayon sa Hobe as endorser, at mas ini-endorse ko ‘yung Hobe Bihon noodles. ‘Yun ang parati kong ini-endorse kasi ‘yan din ang pinaka-best seller nila,” sinabi ni Ai Ai sa pocket presson na ipinatawag ng long-time friendship na si Nap Gutierrez. Mostly bloggers ang invited, pero ipinilit ni Donya Lolit Solis na maisama ni Nap si Yours Truly, kaya thank you kay Donya Lolit!

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bakit daw siya uli ang kinuhang endorser ng Hobe Quick Cook Noodles?“Eh, kasi sabi nila mataas daw ang sales. So hanggang mataas ang sales, siyempre kukunin pa rin nila ako. ‘Yun lang naman ang pagkakaintindi ko. At hindi naman sa pagyayabang, ha, ha, ha,” sabi ng Comedy Queen.

Paborito daw niyang lutuin ang pansit, kaya humirit si Yours Truly: “Sa palagay mo ba, Ai, the way to Gerald Sibayan’s (her husband) heart is thru Hobe Quick Cook noodles?”

“Ha, ha, ha, yesss, of course! Kaya parating masaya ang aking asawa ay dahil sa pagluluto ko ng Hobe, pak!”

Naniniwala ba siya na ang pansit daw ay pampahaba ng buhay?

“Oo, ang pansit pampahaba ng buhay. ‘Yan ang kasabihan lalo na tuwing may birthday ang isang tao. Huwag mo raw puputulin ang pansit kailangan buo mong kainin.

“Pero ako naniniwala na ‘pag time mo na, ‘pag kinuha ka na ni Lord, ‘pag tinawag ka na ni Lord, kahit na sangdamakmak na pansit ang iahin mo hindi natin mapipigilan ‘yan. Naniniwala ako na ang pansit is for long life pero naniniwala rin ako na si Lord lang ang puwedeng mag-decision ng buhay mo, hindi ‘yung pansit.”

-MERCY LEJARDE