TINANGGAP ni multi-titled coach Yeng Guiao ng NLEX ang alok na pangansiwaan ang Gilas Pilipinas para sa 2018 Asian Games.

Gagabayan ni Guiao ang National Team sa torneong idaraos sa Agosto 12 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang, Indonesia.

“Sino ang tatanggi na pagsilbihan ang bayan?, pahayag ni Guiao, dating Vice Governor ng Pampanga .

Huling humawak ng national team si Guiao nang magsilbi itong mentor ng Powerade Team Pilipinas noong 2009 FIBA Asia Championship.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Kaakibat sa pagtanggap ng hamon bilang mentor ng Gilas sa Asiad ang paghahanda sa koponan na pangungunahan ng core ng koponan ng Rain or Shine para sa quadrennial meet.

“Ganun naman tayo e, we’ll cram everything we can starting next week,” wika ni Guiao.

Inaasahang ihahayag ni Guiao ang kanyang line-up para sa Asiad sa darating na Agosto 3.

-Marivic Awitan