Malinis na sa ilegal na droga ang anim na barangay sa Valenzuela City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD).

Sa barangay drug clearing symposium, sinabi nina PDEA Regional Office National Capital Region Information Joan Madhavon at NPD director, Police Chief Supt. Gregorio Lim na drug free na ang mga barangay sa Valenzuela City, partikular na ang Tagalag, Wawang Polo, Coloong, Paso De Blas, Mapulang Lupa, at Lawang Bato.

Sa report ng Valenzuela Police, ang mga nasabing barangay mula sa 33 barangay sa lungsod ay hindi na sakit sa ulo kaugnay ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, pinuri ng NPD ang mahusay na kampanya kontra droga ni Police Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

-Orly L. Barcala