Pinarangalan ang dalawang pulis na nagpamalas ng katapangan sa magkakahiwalay na operasyon sa Surigao del Norte at Agusan del Norte, nitong nakaraang taon.

Bukod sa ‘Medalya ng Sugatang Magiting’, tumanggap din ng cash assistance sina PO2 Genuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela sa flag raising ceremony sa nasabing lungsod, nitong Lunes.

Bukod sa P110,000 financial assistance, binigyan din ng Presidential Management Staff ng tig-isang cell phone at baril ang dalawang pulis.

Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-13 director, Chief Supt. Noli Romana ang awarding ceremony.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Matatandaang sugatan si Agbayani nang makipagbakbakan ang grupo nito sa drug syndicate habang sila ay nagsasagawa ng surveillance operation sa Barangay Luna, Surigao City noong Maro 11, 2017, habang si Valenzuela ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan matapos makasagupa ng tropa nito ang grupo ng mga rebelde sa Bgy. Aclan, Nasipit, Agusan del Norte, noong Agosto 2 ng nakaaang taon.

-Mike U. Crismundo