UNANG pelikula ni Tony Labrusca ang ML (Martial Law), 2018 Cinemalaya entry ng CMB Film Services, at kasama niya ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Eddie at Tony

Ang ganda nga ng tagline ng presskit na ipinamahagi, ‘A Legend and A Newbie Actor in ML’.

Aminado si Tony na abut-abot ang kaba niya nang malaman niyang si Eddie Garcia ang makakasama niya sa ML dahil nga beterano na kaya naman nanalangin siya na sana ay makayanan niya ang lahat ng eksenang gagawin niya sa pelikula.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Bagama’t ibinase ni Direk Benedict Migue ang kuwento ng ML sa mga nangyari noon, pero ang atake naman nito ay sa kasalukuyang panahon dahil ang target audience niya ay ang milennials.

Nahirapan ba si Tony sa torture scenes?“Matagal po kasi ‘yung torture scenes like 7 hours to 8 hours na nakaupo lang ako.”

Halos isang araw ang isang eksena, paano kung kailangan niyang magbanyo?“Ay puwede naman po ‘pag talagang naiihi na ako. Doon po ako talaga nahirapan kapag matagal na kasi parang nawawala na ako sa concentration ko, hindi na ako maka-focus sa eksena. To be honest po, nagdadasal ako parang, ‘Lord please give me strength’ para matapos na ‘yung scenes,” kuwento ni Tony nang ma-solo interview namin.

Base mga balita noong panahon ng ML ay walang mga damit ang mga tino-torture noon, at kung anu-ano ang ginagawa sa kanila tulad ng pangunguryente sa maselang parte ng katawan, at iba pang kahindik-hindik talaga.

Naipakita ba sa ML ang mga iyon?“Ay wala naman pong nakahubad. My topless lang po is sa basketball (naglalaro), sabi ni Direk na may maibigay naman kami para hindi magtampo naman ‘yung makakapanood (kung puro torture scenes). Kinuryente po ako rito, pero secret na para naman po hindi ma-spoil lahat. Kasi si Direk, nag-research talaga siya sa mga torture victims,” pahayag ng aktor.

Nang ialok daw kay Tony ang pelikula ay talagang nag-research siya tungkol sa mga nangyari noon sa Martial Law.

“Yes, nag-research po ako, pero ‘yung ginawa ko sa pelikula, nag-work po ako hand in hand with Direk Benedict kung ano talaga ang gusto niyang gawin at nag-explain kung ano ‘yung mga nangyari saka sa bawat eksena po. Kasi siyempre millennial ako, hindi ako masyadong educated sa Martial Law. Ini-explain niya sa akin kung ano yung mga naramdaman nila or what they’re gone through at kung ano ang mga gagawin namin sa bawat eksena.”

May nabuo bang galit sa dibdib ni Tony nang malaman niya ang hirap ng mga Pinoy sa panahon ng Martial Law?

“Siguro kung may stories ang grandmother ko or family members ko na may na-experience siya first hand about martial law, siguro magha-harbour ako ng galit. Pero kasi ang family ko, very western, kaya hindi kami affected. Dati naman dito nakatira ang lola ko sa Pangasinan. Pero for the most part kasi medyo sheltered ang background namin.

“So ang mas naramdaman ko ay awa. Kawawa ‘yung mga inosente na nadamay na walang magawa na akala nila na may kasalanan sila. If one day martial law ever to happen again, parang kawawa tayong lahat kung mangyari ulit iyon kasi you’ll never know, ‘di ba,” mahabang sabi ni Tony.

Aminado rin na masuwerte siya na hindi niya inabot ang Martial Law.

“Definitely kasi sa mga millennial ngayon sobrang suwerte natin kasi sobrang sheltered tayo na we live in front of screens na lahat tayo may mga cell phones na hindi ganu’n ang life dati ng parent’s o grandparents natin. So, ‘yung milennials tulad ko you don’t know how lucky we are.”

Paano kung ibalik ang martial law sa buong Pilipinas ni President Rodrigo Roa Duterte ano ang gagawin ng isang milenyong tulad ni Tony?

“Actually, I don’t know kasi you’ll never know what’s going to happen kasi we live in crazy world and I think, possible nga na may nuclear war kasi, sana hindi umabot sa ganu’n si President Duterte. If it can happen in Mindanao, it can happen here (Manila),” saad ng binate.

“(Kung sakaling mangyari iyon) Siguro babalik po ako ng Canada. I mean for my family’s safety and my safety babalik po ako,” diretsong sagot ni Tony.

Paano ang karera niya na gumaganda na dahil ang dami niyang projects sa ilang taon pa lang niya sa showbiz?

“Kumusta naman po ang career ko kung ma-torture at makulong ako? If that’s gonna be happen, speaking devil’s advocate, siguro until everything settles down, mas safe siguro kami kung nasa Canada kami. Kung talagang malala na, siguro better safe naman than never, better go to Canada muna,” katwiran ni Tony.

Sobrang mahal na mahal ng aktor ang pamilya niya kaya ito rin ang dahilan kung bakit siya pumasok sa showbiz ay para maiahon sa kahirapan ang buong pamilya at sa kalaunan ay na-enjoy na rin niya dahil marami siyang natutunan, nakikilalang tao na tumututlong sa kanya at nagtitiwala sa kakayahan niya bilang aktor at masasabing suwerte niya dahil ilang taon palang siya sa showbiz.

Mapapanood na ang ML sa 2018 Cinemalaya sa Agosto 3-12 sa CCP Theaters, Ayala Cinemas tulad ng Trinoma, Glorietta, Greenbelt 1, UP Town Center at Legazpi Cinema in Bicol.

-REGGEE BONOAN