KAKASA si OPBF Silver featherweight champion Jelbirt Gomera ng Pilipinas kay WBA International featherweight beltholder Can Xu ng China sa undercard ng pagsagupa ni Froilan Saludar kay WBO flyweight titlist Sho Kimura ng Japan sa Hulyo 27 sa Qingdao, China.
Hindi pa nakalista si Gomera sa WBC rankings kaya malaki ang mawawala kay Xu kapag natalo sa Pinoy boxer dahil nakalista itong WBA No. 4, IBF No. 8 at WBC No. 9 sa world rankings.
Nakuha ni Gomera ang WBC regional belt nang palasapin ng unang pagkatalo via TKO si Omrri Bolivar ng Venezuela noong Nobyembre 10, 2017 sa sagupaan sa Puerto Princesa City, Palawan.
Mga tigasin naman ang mga tinalo ni Xu para mapanatili ang kanyang WBA belt sa pagtalo sa puntos kay dating IBO junior lightweight champion Jack Asis ng Pilipinas at ex-WBA super bantamweight titlist Nehomar Cermeno ng Panama via stoppage.May rekord si Xu na 13 panalo, 2 talo na may 1 pagwawagi lamang sa knockout samantalang si Gomera ay may kartadang 13 panalo, 4 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.
-Gilbert Espeña