NAKATAKDANG sumabak ang Philippine Blu Girls sa darating na XVI WBSC Women’s Softball World Championship sa Chiba, Japan na may kumpiyansa sa kanilang tsansa para sa pagkakataon makapag qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang World Baseball Softball Confederation-sanctioned competition ay isa sa apat na exclusive international tournaments na may nakatayang XXXII Olympiad berth para sa kanilang mga miyembro at affiliated national teams.

Kung ang Japan na nakakatiyak na ng slot sa 2020 Games bilang host ang nanalo sa torneo, ang second placer ang magkakamit ng Olympic spot.

“The Blu Girls are the strongest national team ever assembled and they have shown it last year by consistently beating the Top 10 teams in the world,” pahayag ni Amateur Softball Association of the Philippines president Jean Henri Lhuillier.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Inaasahang magpapakita ang Blu Girls ng mataas na performance sa World Championship na gaganapin sa Agosto 2-12 at inaasahang bibitbitin nila ang momentum sa pagsabak sa 2018 Asian Games sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Indonesia.

Kabilang sa bubuo sa Blu Girls sina Lorna Adorable, Cheska Altomonte, Mary Ann Antolihao, Dianne Arago, Layca Basa, Arlyn Bautista, Garie Blando, Shaira Damasing, Sky Eleazar, Reese Guevarra, Ezra Jalandoni, Sierra Lange, Mia Macapagal, Nicole Padasas, Celestine Palma, Racel Palumbres, Janet Rusha, Cristy Joy Roa, Chelsea Suitos, Angelie Ursabia, at Arianne Vallestero na gagabayan ni coach Randy Dizer.

Ang 16 na koponang kalahok mula sa limang Olympic continents ay hinati sa dalawang grupo kung saan kasama ng Blu Gitls (No. 15) ang top seed US , No. 5 Chinese Taipei, No. 6 Puerto Rico, No. 7 Mexico, No. 8 the Netherlands, No. 11 New Zealand at No. 35 South Africa sa Group A.

Kabilang naman sa Group B ang No. 2 Japan, No. 3 Canada, No. 4 Australia, No. 9 Italy, No. 12 China, No. 14 Great Britain, No. 17 Venezuela at No. 33 Botswana.

Ang top 4 teams sa magkabilang grupo ay uusad sa double page playoff round.

Samantala ang susunod na Olympic eliminations, ang Asia/Oceania Qualifying Event ay nakatakda sa 2019.

-Marivic Awitan