NAKATAKDANG magduwelo ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra, dalawa sa itinuturing na pinakabigating koponan sa PBA Commissioner’s Cup best-of-seven title showdown na nakatakdang magsimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Beermen at ang Kings ang masasabing league’s best two teams sa nakalipas na apat na taon ay nahaharap sa isang matinding duwelo na batbat ng mga tinatawag na side battles.

“It’s San Miguel versus Ginebra, As usual matinding laban yan. I won’t be surprised if it goes down to a Game Seven. It’s a great finals for sure,”wika ni San Miguel Beer governor Robert Non sa nakaraang pre-finals press conference sa Sambokijin Restaurant sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

“Dalawang SMC teams ‘yan pero parehong palaban ‘yan. Ang hinihingi namin sa kanila ibigay ang lahat for the fans,” ayon naman kay Alfrancis Chua, sports director ng San Miguel Corp. at Governor ng Ginebra.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang Beermen ay nagtataglay ng record na six-of-six sa finals sa nakaraang 10 conferences at naghahangad na makapagtala ng grand slam habang ang Ginebra naman ay ang reigning back-to-back Governors Cup champion.

Ito ang muli nilang pagtutuos sa finals mula noong magharap sila sa 2016-17 PBA Philippine Cup finals kung saan tinalo ng Beermen ang Kings sa loob ng limang laro sa kanilsng best-of-seven series, ngunit wala noon sa Ginebra ang 7-foot-1 giant na si Greg Slaughter.

Full force ngayon ang Kings at may reinforcement pang two-time champion kay Justin Brownlee.

Unang pagkakataon na magkakaharap sa kampeonato sa PBA sina Slaughter at June Mar Fajardo mula pagiging collegiate rivals sa Cebu.

Magtatapat din sina Brownlee at Renaldo Balkman matapos ang kanilang title run na magkasama sa Alab Pilipinas sa ABL.

“Two great teams. Great matchup. Two best imports. Greg and June Mar finally meeting in PBA finals. This is really a very exciting series,” ayon kay SMB team manager Gie Abanilla.

Mapagkumbaba namang sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang San Miguel ang mas superior team.

“It’s a real honor to be playing San Miguel Beer in the finals. It’s such a great challenge. You can’t pick a bigger challenge. I hope our guys embrace it and go for it,” ani Cone.

-Marivic Awitan