BILANG paghahanda sa nalalapit na Asiam Games, sumabak si Samantha Kyle Catantan sa World Senior Fencing Championships kamakailan sa Wuxi, China.

Umabot sa top 64 ang 17-anyos na si Catantan sa Women’s Foil matapos siyang mabigo sa 2nd seed at gold medalist na pambato ng Italy na si Alice Volpi 6-15.

Ngunit, bago ito ay binigo naman ni Catantan si Barbara Ojeda ng Spain sa 15-13 panalo sa unang round ng Direct elimination habang dalawang panalo din ang naiatala niya sa Pool Elimination matapos nitong pataobin sina Eline Rentier ng Netherlands, 5-4 at Alicia Yi Jeon Kwag ng Australia sa 5-0 panalo.

Si Catantan ay nag-uwi ng silver medal buhat sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon sa Kula Lumpur Malaysia.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ikinasiya naman ni national coach Roland Canlas ang naging performance ng 17-anyos na si Catantan sa nasbing torneo, gayung handa na itong makipag sabayan sa mga pambato ng ibang bansa sa mga malalaking kompetisyon.

Naniniwala din si Canlas, na maaring makasabay ng maayos ang mga Pinoy Fencers sa kampanya ng bansa para sa Asian Games ngayong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang Indonesia.

-Annie Abad