PANSAMANTALA munang makikipag-sparring sa hardcourt ang mga Pinoy boxers mula sa limang boxing stables sa bansa para makipagtagisan ng husay at galing --- sa three-point shooting.

mitra

Sa inisyat ibo ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, dadalhin ng mga Pinoy boxers ang natatanging kahusayan sa basketball sa pakikipagsagupa sa isa’t isa sa ‘Kings of Threes’ 3-point shooting championships Boxers’ Day sa Sabado (Hulyo 28) sa Taft Food by the Court, sa Taft Avenue cor. Sanchez St., Pasay City.

“Kakaibang cross-training ito para sa ating mga boxers. Actually, nagpapasalamat ako sa mga kaibigan natin na mga promoters, matchmaker at managers para payagan nila ang kanilang mga fighters na umali rito,” pahayag ni Mitra.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Also, our intention in putting up this kind of activity is to foster camaraderie among our local fighters,” aniya.

Kumpirmadong lalahok sa five-man team competition at individual category ang mga boxers mula sa Olivetti Boxing Stables, Survival Camp, Gandeza Boxing, Hardstone Stable at Highlands Boxing Stable. Lalahok din ang koponan ng GAB at Media Team-TOPS.

“We’re extending invitations to other boxing stables, so far nagihintay pa kami ng confirmation. Anyway, our intention also is to help promoting the three-point shooting. Bukod sa 3x3, malaki ang potensyal ng Filipino sa sports,” sambit ni Mitra.

Ang ‘King of Kings’ 3-point championship, ang tanging 3-poont shooting league sa bansa na sanctioned at nasa ilalim ng regulasyon ng GAB