Idi-deliver sa susunod na taon ang dalawang anti-submarine helicopter ng Philippine Navy na binili ng gobyerno bilang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpirma ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, na sa Marso 2019 darating mula sa United Kingdom ang P2.75 bilyong anti-submarine helicopters.

Sinabi ni Empedrad na malaking tulong ang dalawang anti-submarine warfare sa dalawang warship ng Navy para ma-detect kung may mga submarines sa paligid nito. Palalakasin din nito ang depensa ng mga barko ng PH Navy sa pagpapatrulya sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Samantala, nakapaloob pa sa ikatlong horizon ng AFP modernization program ang pagbili ng gobyerno ng submarines.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Sinabi ni Empedrad na mas maganda kung makakasama sa horizon 2 ang pagbili ng mga submarine. Gumawa na ng request ang PH Navy kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay dito.

-Fer Taboy