ANG ganda-ganda ni Andrea Torres sa costume niya bilang si Sif, ang asawa ni Thor, sa Norse Mythology, na pupunta sa human world para gabayan si Hammerman, ang superhero character ni Alden Richards as Victor Magtanggol, sa action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Andrea copy

Biro kay Andrea sa media conference, bakit hindi niya pinapalitan ang pangalan niyang ‘Sif’, na tulad ng pangalan ni Sef Cadayona, na balitang naging boyfriend niya.

“Iyon po ang totoong pangalan ng character ko, ang diosang si Sif. Hindi po puwedeng palitan iyon, bawal sa Norse Mythology,” natatawang sagot ni Andrea.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Pero okey lang sa akin, happy ako na na-consider ako rito sa big serye ng GMA, na first time akong gaganap na diosa. First time ko ring makagawa ng telefantasya dahil noon, gumawa ako sa afternoon prime, ang Ang Lihim Ni Annasandra pero nagiging taong lobo lang ako roon. Iba rito, maganda dahil si Sif, hindi masyadong seryoso ang character, may alaga nga siyang dala-dala lagi, si Ratty.”

Pinansin namin ang headband niya, totoo bang may power ang headband na iyon, anong power?

“Iyon po ang dapat nilang abangan,” nakangiting sagot ni Andrea. “Meron po, marami, at gagamitin ko iyon para matulungan ko si Hammerman. Iyon po ang reason kung nakikita ninyo ako sa eksena na laging nakabalot ang ulo ko, dahil nga sa headband ko. Basta happy po ako na na-consider ako sa project na ito.”

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ito knowing na hindi pa nga sila nagte-taping at napabalita lang na ka-love team siya ni Alden ay may namba-bash na sa kanya.

“Hindi po, nagpasalamat pa ako nang na-consider ako rito. It’s an honor po na makasama sa isang big production ng GMA. Ang tiningnan ko rito, iyong may bago akong project, makakaipon na naman ako. Last ko pa po kasi ang Alyas Robin Hood.

May mga nagli-link na raw sa kanya kay Alden.?

“Hindi ko po pinapansin dahil hindi naman ako dapat i-link sa kanya. Hindi ito ang first time na nagkasama kami ni Alden kasi may ginawa na kami noon sa Wagas ng GMA News TV, at nagkasama rin kami sa noontime show noon ng GMA 7.

“At si Alden, ang nakikita ko sa kanya, napakabait niyang tao, hindi siya nagbabago, napaka-humble pa rin niya sa kabila ng mga success na dumarating sa kanya. Wala siyang reklamo sa trabaho, pa-good vibes siya kahit madaling-araw na nagte-taping pa kami, nakangiti pa rin siya. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya.”

Sa Norse Mythology, ang makakasama ni Andrea ay sina John Estrada, Pancho Magno, Miguel Faustman at may special participation ang Hollywood actor na si Conan Steven bilang si Thor. Sa Lunes na ito, July 30, after ng 24 Oras sa GMA -7.

-Nora V. Calderon