SA mga nangangamba na ang pagsasara ng Boracay para sa mga turista nitong Abril ay makaaapekto sa turismo ng Pilipinas, sinisiguro ng ulat ng Department of Tourism (DoT) na naabot ng bansa ang “all-time high” sa pagdating ng mga turista sa unang bahagi ng taon.
“From January to June, tourist visitors numbered 3,706,721, 10.4 percent more than the 3.357 million for the same period last year. The biggest numbers of foreign visitors were Koreans, 815,683; followed by mainland Chinese, 645,089; Americans, 557,833; Japanese, 316,060; Australians, 140,260; Canadians, 121,098; Taiwanese, 120,540; British, 102,443; Singaporeans, 91,736; Malaysians, 73,663; HongKongites, 69,995; and Indians, 63,089.”
Ngayong taon, target ng DoT na makapagtala ng 7.4 na milyong turista sa bansa. Ibig sabihin, inaasahan nito ang pagdagsa ng nasa 3.94 na milyon bisita sa susunod na anim na buwan. Kung ipapalagay ang pagkakaroon ng maraming holiday sa pagitan ngayon at Disyembre, na kalimitang nagdadala ng daang libong balik-bayan mula US, hindi malayong marating ang target na ito. At sa muling pagbubukas ng Boracay sa Oktubre, maraming banyagang turista na naudlot ang pagbisita sa sikat na isla ang maaaring dumating sa nalalabing buwan ng taon.
Mahalagang tandaan na hindi tayo nag-alinlangan na isara ang Boracay nang ipatupad ito, sa kabila ng inaasahang pagkawala ng kita dahil ipinapakita nito sa mundo na pinapahalagahan natin ang likas na yaman at orihinal na ganda higit sa dala nitong pakinabang sa ekonomiya ng bansa. Ang pagsasara rin ng isla ay nakitang palatandaan ng pagiging desidido ni Pangulong Duterte sa sitwasyon na pinayagan lamang lumala ng mga nakalipas na opisyal. Sa pansamantala nitong pagsasara, nadiskubre ng maraming bisita ang iba pang daang isla at baybayin at katubigan sa buong bansa.
Nitong nakaraang taon, nakaakit ang Boracay ng kabuuang 6.6 milyong bisita. Sa pagbubukas nito sa Oktubre, kumpiyansa tayo na maraming minsan nang napadpad sa isla ang gugustuhing muli itong masulyapan, samahan pa ng ibang tiyak na humanga sa ating kahandaang isara ito upang mahinto ang pagkasira ng yaman.
Tunay na kahanga-hanga ang naging trabaho ni Secretary Roy Cimatu, ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa paglilinis sa Boracay at ang pagtapos nito sa loob ng anim na buwang palugit na ibinigay sa kanya. Gayundin kay Secretary Romulo Puyat, ng DoT, na nagawang iangat ang turismo ng bansa sa kabila ng kawalan ng Boracay.
Umaasa tayo sa mga programang pangturismo ng bansa sa susunod na anim na buwan ng taon, isang magandang balita sa kabila ng mga maraming problemang kinakaharap ng bansa sa ngayon.