ANG mga isyung bumabalakid sa industriya ng pagniniyog at kung paano ito matutugunan ang kabilang sa mga pangunahing layunin ng pagdiriwang ng 32nd National Coconut Week (NCW) sa Metro Manila, sa susunod na buwan.

Inaasahang pangungunahan ng mga lokal at banyagang eksperto ang talakayan sa 1st World Coconut Congress (WCC), isa sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ng NCW ngayong taon sa Agosto 14-16.

Kabilang sa mga tatalakayin sa paunang WCC ang ‘global coconut supply and demand situation’, ‘action plan for increasing Philippine coconut supply’, ‘making the coconut supply and value chain sustainable and competitive’, ‘as well as opportunities in integrated coconut processing.’

Pagtutuunan din ng pansin ng mga kalahok sa WCC ang non-traditional coconut product, ang mga napagtampuyan sa paggamit ng langis ng niyog, gayundin ang benepisyong hatid ng niyog sa kalusugan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapwa nakaangkla ang WCC at NCW sa temang “The time is now,” na nangangahulugan ng pagmamadali sa kinakailangang aksiyon upang maiangat at mapalakas ang industriya ng pagniniyog.

Samantala, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ang nakatakdang mamuno sa isang linggong aktibidad.

Sinabi ng PCA na ang taunang pagdiriwang ng NCW ay para sa niyog na tinaguriang “tree of life” at nakamandato sa ilalim ng Proklamasyon 142 serye ng 1987.

Bukod sa WCC, ngayon taon din nakatakdang idaos ang trade fair, exhibit, mini-cooking festival tampok ang niyog, coconut-inspired fashion show, at ang palihan para sa integrated pest management at oportunidad sa pagnenegosyo mula sa bunot ng niyog.

PNA