LAOS (AFP, Reuters) – Sinabi kahapon ng South Korean partner sa Laos hydropower dam na nadiskubre nito na inanod ang ibabaw na bahagi ng istruktura 24 oras bago ito gumuho, at binaha ang mga pamayanan at iniwang nawawala ang daan-daang katao.

DITO KAMI! Nag-akyatan sa bubungan ng kanilang mga bahay ang mga residente matapos gumuho ang Xepian-Xe Nam Noy hydropower dam, sa Attapeu province ng Laos, nitong Martes. ABC Laos News/Handout via (REUTERS)

DITO KAMI! Nag-akyatan sa bubungan ng kanilang mga bahay ang mga residente matapos gumuho ang Xepian-Xe Nam Noy hydropower dam, sa Attapeu province ng Laos, nitong Martes. ABC Laos News/Handout via (REUTERS)

Rumagasa ang pader ng tubig nitong Lunes sa pagguho ng dam sa timog silangan ng bansa, at inanod ang mga bahay. Daan-daang katao ang pinangangambahang nasawi.

Sinabi ng SK Engineering & Construction, South Korean builder, isa sa partners sa proyekto, na nadiskubre nito ang pinsala sa auxiliary dam dakong 9:00 ng gabi nitong Linggo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“We immediately alerted the authorities and began evacuating (nearby) villagers downstream,” saad sa pahayag nito.

Ikinasa ang repair work Lunes ng umaga ngunit bumuhos ang malakas na ulan, at pagsapit ng hapon ay bumigay na ang dam.

Sa tala kahapon ng umaga, pito sa 12 pamayanan ang lubog sa baha, ayon dito. Patuloy ang search and rescue operations. Labing-siyam katao na ang kumpirmadong nasawi at mahigit 3,000 ang kailangang sagipin.

“We will continue with rescue efforts today but it’s very difficult, the conditions are very difficult. Dozens of people are dead. It could be higher,” sinabi ng Vientiane-based official sa Reuters.

Matatagpuan ang $1.2 bilyon dam malapit sa hangganan ng Cambodia. Bahagi ito ng proyekto ng Vientiane-based Xe Pian Xe Namnoy Power Company, isang joint venture na binuo noong 2012 sa isang Laotian, isang Thai at dalawang Korean companies, ayon sa website ng proyekto.

Ang proyekto ay binubuo ng serye ng mga dam sa Houay Makchanh, Xe-Namnoy, at Xe-Pian rivers sa Champasak province.