CAMP GEN. NAKAR, Quezon –Kusang sumuko ang medical officer ng New People’s Army (NPA) sa 76th Infantry Battalion (76IB) at 402nd Mobile Police Company sa Occidental Mindoro, base sa ulat para sa Southern Luzon Command (SOLCOM) dito.

Sa nasabing ulat, kinilala ni Lieutenant Colonel Mario Lito I. Retirva, acting commander ng 76IB, ang sumuko na si Ronnie I. Ferrer, alyas Jack, 42, na nagsimulang malingkod sa mga rebelde noong 18-anyos pa lamang siya. Siya ay medical officer ng Platoon Falcon, na dating kilala bilang Kilusang Larangang Guerilla “Yam-ay”, Sub- Regional Military Area-4D, Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC), dagdag ni Retirva.

Danny J. Estacio

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito