NANGIBABAW ang kabataan laban sa karanasan sa pagtatapos ng Beach Volleyball Republic King And Queen Of The Sands tournament nitong Linggo.

Nagwagi ang tambalan nina Babylove Barbon at Jaron Requinton ng University of Santo Tomas kontra kina Klymince Orillaneda at James Buytrago ng National University sa championship showdown nang dalawang collegiate team weekend event sa Sands SM By The Bay.

Umusad sa championship round sina Barbon at Requinton nang walisin ang pitong laro sa elimination laban sa mas beteranong tambalan.

Nakumpleto nina Genesa Jane Eslapor at Efraem Dimaculangan ang double celebration sa UST nang magwagi sa runner-up showdown laban sa Far Eastern University’s Kyla Atienza at Joshua Barrica.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Kabuuang 13 koponan ang sumabak sa dalawang araw na torneo.