TINALO ni dating OPBF super lightweight champion Al Rivera ng Pilipinas si ex-Indonesian junior welterweight titlist Heri Adriyanto via 3rd round technical knockout nitong Hulyo 21 sa Town Plaza, Magallanes, Cavite.

Kilalang knockout artist si Rivera na huling natalo sa puntos nang dumayo sa Moscow, Russia pero nabigong patulugin si Armenian Aik Shakknazaryan para sa bakanteng WBC International super lightweight title.

Napaganda ng 26-anyos at tubong Northern Samar na si Rivera ang kanyang rekord sa 20 panalo, tatlong talo na may 18 pagwawagi sa knockouts at umaasa siyang mapapalabang muli sa regional title bout sa kanyang susunod na pagsagupa.

Sa undercard ng laban, na-upset ni dating Indonesian bantamweight champion Waldo Sabu si one-time world title challenger Ernesto Saulong sa kanilang super bantamweight bout nang mapatulog ang Pinoy boxer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ni Saulong na galing sa pagkatalo sa puntos kay IBF super bantamweight champion Ryosuke Iwasa ng Japan sa Kokugikan, Tokyo nitong Marso 1, 2018.

-Gilbert Espeña