NABIGO si Toto Landero na maging ikapitong kampeon pandaigdig ng Pilipinas nang matalo sa 12-round unanimous decision kay IBO minimumweight champion Simphiwe Khonco sa OR Tambo Hall sa Mthatha, South Africa kamakalawa ng gabi.
May anim na kampeong pandaigdig sa kasalukuyan ang Pilipinas sa katauhan nina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas, IBO bantamweight ruler Michael Dasmarinas, WBA bantamweight titlist Reymart Gaballo, WBO minimumweight titleholder Vic Saludar, WBA welterweight beltholder Manny Pacquiao at WBA featherweight champion Jhack Tepora.
Magiging ikapitong world champion sana si Landero ngunit mahirap manalo sa South Africa sa puntos kaya nabigo siya nang paboran ng mga African judges si Khonco.
Umiskor si Judge Lulama Mtya ng South Africa ng 117-112 gayundin ang mga huradong sina John Shipanuka ng Zambia at Patrick Mokondiwa ng Zimbabwe na kapwa 116-112 pabor kay Khonco na walang ginawa kundi umiwas sa malalakas na bigwas ni Landero.
“The Filipino possibly did enough share a couple of rounds and possibly also shaded the last two rounds against his ten year older opponent who was tiring and fighting with his mouth open,” ayon sa ulat ni Ron Jackson sa Fightnews.com. “
Napaganda ni Khonco ang kanyang rekord sa 19 na panalo, 5 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts samantalang bumgsak ang kartada ni Landero sa Landero sa 10-3-2 win-loss-draw na may 2 pagwawagi lamang sa knockouts.
-Gilbert Espeña