Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

8:00 n.u. -- LPU vs AU (jrs)

10:00 n.u. -- SSC-R vs JRU (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

12:00 n.t. -- LPU vs AU (srs)

2:00 n.h. -- SSC-R vs JRU (srs)

4:00 n.h. -- SBU vs CSB (srs)

6:00 n.h. -- SBU vs CSB (jrs)

MATAPOS ang kabiguan ng San Sebastian College, Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University, ang Arellano University naman ang susubok sa tikas ng Lyceum of the Philippines University, sa kanilang pagtutuos ngayon sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Maagang naipadama ng Pirates ang hangaring mapantayan ang NCAA record na 18-game winning streak sa elimination round, matapos ang tatlong sunod na panalo.

Susubukan ng Chiefs na mapasuko ang league leader Pirates sa kanilang laro ganap na 12:00 ng tanghali.

Bagamat nakakatatlo ng panalo, nais ni Pirates coach na patuloy na maging handa sa lahat ng hamon na kanilang haharapin at iwasan na maging kampante sa kanilang tsansa.

“There’s no reason to feel complacent. It’s still a long way to go. We must always be ready every game,” pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson.

May katwiran naman na mag-alala ang Lyceum mentor lalo’t ang susunod na kalaban nilang Chiefs ay galing sa pampalakas-loob na 75-69 panalo kontra sa EAC Generals sa NCAA on Tour programa nitong Hulyo 19.

Ang usap-usapang mas paghina ng kanilang team dahil sa pagkawala ng ace guard na si Kent Salado dahil sa injury na umano’y tila isang sumpa ang naging hamon para sa Chiefs partikular kina Levy de la Cruz at transferee guard Ian Alban upang pamunuan ang koponan sa unang panalo kontra Generals.

“Sipag lang talaga.Gusto ko pang matulungan ang team namin kasi pangarap talaga naming makabalik ng Final Four,” pahayag ni de la Cruz.

Sa iba pang laro, gaya ng Chiefs, maghahangad din ng ikalawang sunod na panalo ang defending champion San Beda University sa pagsalang nila sa ikatlong seniors match ganap na 4:00 ng hapon kasunod ng ikalawang laro kung saan magtutuos ang San Sebastian College at Jose Rizal University ganap na 2:00 ng hapon.

Magtatangka ang Red Lions na makapagtala ng isang kumbinsidong panalo matapos ang kanilang manipis na 67-65 panalo kontra University of Perpetual Help Altas sa opening day.