TAHANAN na para kay Lani Misalucha ang Hawaii at Amerika, kung saan siya regular na nagtatanghal mula Lunes hanggang Biyernes.

Lani

Early 2000 nang mag-migrate sa Amerika ang kanyang pamilya.

Kaya naman kapag nagbabakasyon siya rito sa Pilipinas ay nakakapahinga ang boses niya, kahit paano.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

“Sa totoo lang, hindi na ako bumabata at hindi ito maganda sa aking boses kung hindi ko iingatan. Napaka-humid pa naman ng panahon sa Las Vegas and I have to slow down,” pag-amin ni Lani.

Good news para kay Lani ang maging isa sa mga hurado ng The Clash, a week-end singing competition ng GMA7.

“I welcome the change at ang pagkakataong muling makatrabaho sina Regine (Velasquez), Ai Ai delas Alas, at Christian Bautista. I know it will be fun at ang pinakamahalaga ay maipapahinga ko ang aking boses.”

Nagpapasalamat si Lani, na kahit malapit na siyang maging Golden Girl (mag-50 years old) ay may mga offers pa siyang tinatanggap mula sa Europe at Asia.

“Happy ako at gusto pa rin nilang marinig akong kumanta, pero gaya ng nasabi ko I have to slow down. ‘Di tulad noong basta tanggap na lang ako nang tanggap.”

-REMY UMEREZ