NAKAUSAP na kaya ng Viva Films si Donnalyn Bartolome, at naipaliwanag na kaya sa kanya ang inirereklamo niya tungkol sa ending ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Meg Imperial?

Donnalyn copy

Sa Jacqueline Comes Home (Chiong Story) na showing ngayon, gumaganap si Donnalyn bilang isa sa Chiong sisters.

Post ni Donnalyn: “Hindi ako reklamador na artista kasi sino ba naman ako pero Viva Artists Agency pakiklaro po sa mga taong ito kung ano ang totoo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“You can all say di ako nag-research kahit I did but the team led me to believe na may surprise ending NA WALA SA MGA ARTISTA ANG NAKAKAALAM para ma-curious ang mga tao, SAYING kung ano talaga nangyari kay Jacqueline. Naririnig ko pa sa team ‘you’ll know what happened to Jacqueline’ kahit di ako sure sa kung ano man yun, kesyo buhay or patay yung tao dahil si Mrs. Chiong ang source niyo (about what happened kay Jacqueline).

“I trusted the team. Akala ko sasabihin na dito ni Mrs. Chiong ano totoong nangyari kay Jacqueline. Nakakaiyak sa galit. Kaya nga may ‘I think’ ako sa una when I said that. Pero hindi naman yun iintindihin ng mga tao.

“I am so tired taking all the blame tapos di niyo iniingatan in-upload niyo pa ito not thinking ma-misunderstanding ng mga tao. Dapat iniingatan kami kung ayaw man sabihin sa aming mga artista ang ending.

“Ngayon yung ‘I think dito marereveal ang totoong nangyari kay Jacqueline’ I THOUGHT na lang dahil pati kaming mga artista pina-curious sa ending na yan! Pare-pareho lang tayo walang alam kahit nagresearch pa nakakaiyakkkkk.”

Naka-address sa Viva Artists Agency ang reklamo ni Donnalyn, pero dahil ang Viva Films ang producer ng movie, kasama rin sila sa reklamo ni Donnalyn.

Pero tama naman ang ilang netizens na nag-react sa post niya na dapat ay kinausap muna ni Donnalyn ang Viva Artists Agency o ang Viva Films bago siya nag-post ng reklamo niya.

-NITZ MIRALLES