Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. – ROS vs Ginebra

HANDA na ang Barangay Ginebra na tapusin na ang serye pero kumpiyansa ang Rain or Shine na makakahirit pa para sa ‘winner-take-all’.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaninong misyon kaya ang mabibigyang katuparan sa paglarga ng Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals series para sa PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng Kings ang Elasto Painters nitong Sabado, 75-72, sa Game 3 upang makuha ang 2-1 bentahe sa serye.

Ngunit, sa kabila ng kabiguan nakabanaag ng pag-asa ang Rain or Shine na kaya pa nilang isagad sa Game 5 ang laban.

“We’re confident,” wika ni ROS coach Caloy Garcia.

“After the way we played in the second half, it gave us at least confidence. We just have to watch what we did in the second half,” aniya.

“It was a tale of two halves,” ayon pa kay Garcia. “They played an excellent first half, we played a better second half. But kinapos kami.”

“I told the players if you want to extend the series, we have to play the way we played in the second half.”

Upang makatabla sa serye, kinakailangan ni Garcia ang pagkayod ng Painters sa opensa at malimitahan ang ratsada ni King import Justin Brownlee na gumawa ng 44-puntos sa nakalipas na laro.

“We have to find a way to start better, to keep us in the game earlier, and have a chance. We must also work on our defense.”

Samantala, batid na may kasamang swerte ang huli nilang panalo pagkaraang magmintis ni James Yap sa huling dalawang three-point attempts nito sa huling apat na segundo, naniniwala si Ginebra coach Tim Cone na kailangan nilang paghandaan ang Rain or Shine at huwag masyadong umasa kay Brownlee.

-Marivic Awitan