IPINAKILALA na ang ilan sa mga artistang magkakaroon ng partisipasyon sa big-budgeted project ng Spring Films tungkol sa nangyaring Marawi siege sa Mindanao n o o n g n a k a r a a n g t a o n . Inanunsiyo ng Spring Films na kabilang sina Mylene Dizon, Piolo Pascual, Robin Padilla at iba pa sa cast ng magigiting na karakter sa Marawi Project na may titulong Children of The Lake.
Ang Children of the Lake ay batay sa tunay na kuwento ng mga pinagdaanan ng mga kapatid nating Muslim sa naging giyera sa Marawi City. Kuwento ni Direk Joyce Bernal na tumatayong producer ngayon ng pelikula, dadayuhin ng production team ang ground zero ng Marawi para doon i-shoot ang pelikula.
“One hundred percent of the film will be filmed sa Marawi. It depends nalang po iyon sa military kapag may something na kailangan nila kami paalisin doon. ‘Yon lang po ang magiging hurdle namin. Pero as of now, one hundred percent po doon lahat,” ani ni Direk Joyce.
Aminado naman ang Spring Film’s co-producer na si Piolo na hindi biro ang proyekto na kanilang gagawin.
“Hindi po talaga biro ang proyektong gagawin namin na ito. Pero noong nakita mo na lahat ng suporta mula sa productions, the artist, even other organizations, makikita mo talaga ‘yong sense of humanity at nakakataba ng puso,” sabi ni Piolo.
Ti l a s a g o t n ama n s a panalangin ni Robin ang maisakatuparan ang pelikula para sa mga taga-Marawi.
“Ito pong pelikulang ito ay totoo na, ito po ay isang pangarap at ngayon ay maryroon nang press conference,” sambit ni Robin.
“Maraming imposible sa pelikulang ito, at ‘yong mga imposible ay naging posible dahil mayroon pong vision and mission ang pelikulang ito,” pahayag pa ni Robin.
Target ipalabas ang Children of The Lake sa ikalawang taong anibersaryo ng Marawi siege sa 2019, sa direksyon ni Sheron Dayoc.
-Ador Saluta