ALANG-ALANG kay Celine Dion, sumakay ng Metro Rail Transit o MRT si Sylvia Sanchez nitong Huwebes patungong MOA Arena sa Pasay City, kung saan idinaos ang concert ng international singer.

SYLVIA copy

“Mali-late ako kung hindi ako nag- MRT dahil sa sobrang trapik, walang galawan sa EDSA. Gusto kong maumpisahan ang show,” kuwento ni Sylvia.

Hindi naman first time ng aktres na mapanood si Celine, dahil dati na niya itong napanood sa Las Vegas, at sa malapitan pa, pero gusto raw niyang mapanood uli ang My Heart Will Go On singer sa sarili nating bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Bakit ba, eh, gusto ko siyang mapanood ulit, gusto kong ma-experience ulit. Kaya nga maski mahal ang ticket, talagang kinulit ko asawa ko na bumili. Kaming dalawa nga lang, hindi na namin isinama mga anak namin kasi mahal tickets,” natatawang sabi ni Ibyang.

Unang beses mag-MRT ni Ibyang sa Pilipinas, at na-enjoy niya.

“Sa ibang bansa, lagi naman ako sumasakay ng MRT, masarap nga eh. Dito, first time, pero na-enjoy ko, kaya uulitin ko ito. Na kapag may mga lakad ako at trapik, sasakay ulit ako.

“Nakakatuwa, okay naman, mabilis ako nakarating from Kamuning station to Taft Avenue. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto, kasi ang daming nagpapa-picture sa akin, tapos ang daming tanong about showbiz, sinasagot ko, ‘masaya ang showbiz’,” kuwento ni Ibyang.

Pagdat ing daw ng Taft Avenue station ay dapat inaabangan na siya ng asawa niyang si Art Atayde para sabay silang makarating ng MOA Arena, pero na-trapik din ito kahit na sa Heritage Hotel lang manggagaling, kaya nag-taxi na lang ang aktres.

“Sakto, pagdating ko ng MOA, ilang minutes na lang start na ang show. Eh kung naghintayan pa kaming mag-asawa, eh, ‘di hindi ko nasimulan. Grabe nung gabi. Masarap na experience,” kuwento ni Ibyang.

Susme, hanggang ngayon ay rave na rave pa rin ang aktres kay Celine Dion. Sa mga lalaking singers naman ay si Andrea Bocceli at ang nasirang Michael Jackson palang ang napanood ni Sylvia.

-REGGEE BONOAN