NAMAYAGPAG muli ang Philippine Army sa 2018 Manila Bay Clean Up Run nang makamit ng sundalong si Jho-ann Villarma ang kampeonato sa women’s 21 km race laban kina Maricar Camacho at Celma Hitalia, habang ang mga taga Kenya na sina Jackson Chirchir, Joseph Miruri, at Alex Melly ang nanguna sa men’s division.

TINANGGAP ng mga nangunang runners ang mga premyo sa organizers ng 2018 Manila Bay Clean-Up Run nitong Linggo sa PICC grounds sa Manila.

TINANGGAP ng mga nangunang runners ang mga premyo sa organizers ng 2018 Manila Bay Clean-Up Run nitong Linggo sa PICC grounds sa Manila.

Sa 10km race, nakamit ni Richard Salano ang kanyang ikatlong gold medal, at sinundan nina Jujet De Asis at Mark Anthony Oximar. Sa mga babe naman nanguna sina Cinderella Lorenzo, kasama ng mga datihang medal winners na sina Luisa Raterta at Jhanice Tawagin. Sa mga tumakbo ng 5km, sina Gilbrat Rotaquio, Evelou Abutas, Rowel Galvero, Joida Gagnao, Joneza Sisituedo, at Rishane Abellar ang nakakuha ng mga medalya. At sa karera ng 3 km, nagwagi muli si Aris Africa, na sinundan nina Immuel Camino at Reynaldo Villafranca, samantalang sina Jie Ann Calis, Lovelyn Pamatian, at Feiza Lenton naman ang nagwagi sa mga babae.

Bilang pagsuporta sa clean-up program ng Sunset Partnership, tumakbo sa 10k race ang 2018 Miss Eco-International na si Cynthia Thomalla. Nag-21k naman ang triathlete beauty na si Alexandra Faith Garcia, at nag 3k ang kasalukuyang Reyna ng Aliwan na si Chelsea Fernandez kasama ng kanyang second runner-up na si Lady Justerinnie Santos

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Ang 2018 Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Star City, sa pakikipagtulungan ng mga lungsod ng Maynila at Pasay, kasama ang suporta ng Columbia International Food Products Inc, Steeltech Colored Roofing, Silka Papaya Soap and Lotion, Symdex-D, Manila Bulletin, Kenny Rogers Roasters, Vital Purified Water, Shield Bath Soap, Unique Toothpaste, at Tang.