Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company na bawasan ang singil sa mga tawag at text message sa bansa.

Ito ang nakapaloob sa Memorandum Circular na inilabas ng NTC kaugnay ng mga singil sa tawag at text ng isang subscriber sa ibang network.

Lumabas dito na mula sa kasalukuyang P2.50 per minute na interconnection charge sa tawag sa ibang network ay magiging P0.50 na lamang ito.

Habang ang kasalukuyang P0.15 na singil sa kada text message sa ibang network ay magiging P0.05 sentimo na lang.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, walang tutol ang mga telecommunications company sa nasabing kautusan, subalit humirit ang mga ito na kung maaari ay palipasin muna ang dalawang taon bago ito ipatupad.

-Beth Camia