KABUUANG 19 na koponan, siyam sa kababaihan at 10 sa kalalakihan ang magtutunggali sa darating na Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference na magsisimula bukas sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Anim sa nabanggit na mga koponan ay galing sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pangunguna ng defending women’s champion National University habang apat naman ang galing sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Maliban sa men’s at women’s squads ng NU, ang iba pang UAAP schools na may entry kapwa sa dalawang divisions ay ang last season runner’s-up na Far Eastern University, Adamson University, University of Santo Tomas, University of the Philippines

Ang isa pang UAAP teams na may lahok sa men’s division ay ang De La Salle University.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

Ang mga NCAA teams na kalahok sa women’s side ay ang San Beda University, San Sebastian College, University of Perpetual Help at College of St.Benilde habang ang mga kasali naman sa men’s ay ang St.Benilde, San Beda, Arellano University at Perpetual.

Kapansin- pansin na hindi sumali ang defending men’s champion Ateneo de Manila University kahit sa women’s division.

Kasalukuyang nasa rebuilding process ang Blue Eagles at Lady Eagles pagkaraan ng pagkawala ng ilan sa kanilang mga key players.

Nakatakdang magharap sa opening day sa women’s division ang Adamson at Perpetual ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng FEU at St.Benilde ganap na 4:00 ng hapon.

May tatlong laro naman sa men’s division na magsisimula ng 10:00 ng umaga sa tapatan ng Adamson at UST kasunod ang salpukang UP-Perpetual ganap na 12:00 ng tanghali at pinakahuli ganap na 6:00 ng gabi tampok ang Arellano at St.Benilde.

-Marivic Awitan