MAPASAMA sa top 10 at makatapos sa karera ang siyang target ni double gold medalist Jermyn Prado ng Standard Insurance -- isa sa walong siklista – na isasabak ng Pru Life UK para sa sa Prudential Ride London 2018 sa Hulyo 28-29 sa United Kingdom.

Makakasama ni Prado ang 19-anyos na si Ismael Gorospe, kasama ang 17-anyos na si Jeremy Genesis Marana at si Aidan Mendoza, na kabilang sa 8-men team na pambato ng bansa sa nasabing karera sa Europa.

Si Prado ang naging kampeon sa PRUride Ph 2018 Philippine National Road Race Chamionship’s Women’s elite at sa Criterium women’s elite kung saan nakatakda siyang kumarera sa London Surrey 100 mile.

“Nagtraining po kami sa Olongapo kasama ng mga boys, Target ko po makatapos at makasama sa top 10 sa competition na ito,” pahayag ni Prado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, masaya naman ang pamunuan ng Pru Life UK Ph at tiwala sila na magkakamit ng karangalan ang mga siklistang kinatawan ng bansa para sa prestihiyosong kompetisyon.

“We are proud that aside from having our largest delegation from the Philippines to date- with eigth strong and highly competitive cyclists ready to overcome the challenges of the long ride- they are the Filipinos’ champions in advocating cycling as a way of life,” pahayag ni Senior Vice President ng Pru Life Uk na si Allan Tumbaga.

Kabilang sa 8-men team ng Pru Life UK PH para sa naturang kompetisyon sina Jun Minagawa na siyang kampeon sa Brompton Challenge, gayundin ang empleyado ng Pru Life UK Ph na si Ryan Lamayo, ang mga raffle winners ng PRU Ride Ph 2018 na sina John Kenneth at Bertrand Tepltixky.

-Annie Abad