Ikinatuwa ng Malacañang ang desisyon ng Department of Justice (DoJ) na baligtarin ang naunang ruling sa drug personalities na sina Kerwin Espinosa at Peter Co, at iba pa.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipahayag ng DoJ na may probable cause upang idiin ang mga naturang drug personalities, baguhin ang resolusyon na nag-absuwelto sa kanilang kriminal na pananagutan.

Ayon kay Roque, nalugod ang Malacañang na mapapanagot ang mga high-profile drug personalities, gaya nina Espinosa at Co, sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

“The Palace is very pleased that the wheels of justice are turning to hold them accountable,” sabi ni Roque.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, ikinatuwa rin ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng DoJ.

Sa isa pahayag, sinabi ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na ang desisyon ay patunay na ang kaso na inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kina Espinosa at Co at sa iba pa ay may katibayan at may sapat na ebidensiya.

Ipinahayag ng DoJ nitong Huwebes na ang ikalawang panel of prosecutors, na pinag-aralan ang kaso nina Espinosa at Co at iba pa, ay nag-isyu ng resolusyon na nagrerekomendang kasuhan ang mga ito ng conspiracy to commit illegal drug trade in violation of Section 26 (b) in relation to Section 5, Article II of the Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“I am glad that [the] DOJ found merit in the case filed by the CIDG against Kerwin Espinosa and several other respondents for violation of RA 9165,” pahayag ni Albayalde.

“The CIDG case build-up was consistent from the start. There was damning evidence to indict Kerwin, et al for the crime,” dagdag niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Martin A. Sadongdong