MAY pagtatangka sa privacy ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka star na si Mike Tan, dahil may nagpanggap na siya sa Instagram.

Nilinaw ng Kapuso star na tanging ang username lang na “@imiketan” ang ginagamit niya sa lahat ng kanyang social media accounts.

Nakiusap siya sa kanyang followers na i-report ang mga fake account na gumagamit ng mukha ng iba para hindi na makaperhuwisyo pa ang mga ito.

Nilinaw pa ng dating StarStruck ultimate winner na tatlong account lang ang mayroon siya, at ito ay sa Twitter, Instagram, at Facebook lang.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

-MERCY LEJARDE