PINANGUNAHAN ni Clint Escamis katulong sina Dan Arches at Jonnel Policarpio ang Mapua upang bawian ang kanilang last season Finals tormentor CSB-La Salle Greenhills, 95-81, kahapon sa una nilang psgtatagpo sa NCAA Season 94 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nag-fouled out sa nauna nilang laban, bumawi si Escamis at nagposte ng 28 puntos, 7 rebounds, at 3 assists.

“Ginawa lang talaga namin yung gameplan namin. Nagbunga naman yung preparations namin so credit talaga sa mga bata,” pahayag ni coach Randy Alcantara.

Isang layup at triple ni Escamis ang tumapos sa 32-11 ratsada ng Red Robins sa huling bahagi ng third hanggang pagpasok ng fourth quarter na nagresulta sa 91-70 bentahe mula sa pagkakatabla sa 59.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nakatulong niya sina Arches at Policarpio sa nasabing run na nagtapos na may 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa panalo, umangat ang Red Robins sa patas na markang 1-1, kapantay ng Junior Blazers.

Sa isa pang laro, wagi din ang Lyceum of the Philippines University kontra Jose Rizal University, 88-87 para sa ikalawang sunod nilang panalo na nagbaba naman sa Light Bombers sa barahang 1-1.

-Marivic Awitan