DARAGA, Albay - Pitong pakete ng umano’y shabu ang narekober ng awtoridad sa loob ng sasakyan ng napatay na radio commentator na si Joey Llana matapos siyang tambangan, kahapon ng madaling araw.

Bukod sa shabu, narekober din ang mga tauhan ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO) ng brownish substance sa kotse ni Llana.

Kinumpirma naman ni Superintendent Benito Dipad, hepe ng Daraga Police station, na nakuha sa sasakyan ni Llana ang nasabing illegal drugs na masusing sinusuri ng pulisya.

"We also requested for paraffin test if the victim fires a gun," ayon kay Dipad.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya, tadtad ng bala ang ulo ng biktima na sanhi ng pagkamatay nito.

Aabot sa 14 na basyo ng 9mm caliber at isang basyo ng caliber 45 ang narekober sa pinangyarihan.

"Planted 'yon."

Ito naman ang reaksiyon ni Jun, kapatid ni Llana, nang kapanayamin ng mamamahayag.

"May nakuha yung SOCO na pitong sachets, kulay puti siya, sa akin lang, shabu talaga 'yun. Saka may nakuha pang malaking bagay na nakabalot na kulay brownish. Sa pagkaka-alam ko, wala namang bisyo ang kapatid ko at hindi naman gumagamit nyan. Planted 'yon! Saka yung blue sling bag na yun, ngayon ko lang nakita yun, hindi naman yun sa kanya," aniya.

-NIÑO LUCES at FER TABOY