Kukunin ng Japanese government ang serbisyo ng mga Pinoy upang maging assistant language teachers (ALT) sa Japan sa loob ng limang taon bilang bahagi na rin ng kanilang internationalization program.

Aabot sa 40 Pinoy ang pagtatrabahuhin ng nasabing bansa sa ilalim ng kanilang Japan Exchange and Teaching (JET) program.

Ang pagkuha sa mga Pinoy bilang language assistants ay bahagi ng hakbang ng nasabing bansa upang makipag-ugnayan sa local Japanese communities patungong internationalization sa pamamagitan ng cultural exchange at foreign language learning.

Sa ngayon, mahigit 66,000 partisipante mula sa 67 bansa sa buong mundi ang nakiisa sa programa simula nang ilunsad noong 1987.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa Pilipinas, sinimulan ang recruitment at pagpili ng mga partisipante noong 2013 sa pamamahala ng Japanese Embassy, at pakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED).

Ayon sa Japanese Embassy sa Maynila, ang 40 Pilipinong partisipante ay aalis sa Agosto 5 para sa inisyal na isang taong kontrata, hanggang sa ma-renew ng limang taon.

Nitong Miyerkules, nakiisa ang mga partisipante sa isang pre-departure orientation seminar na inorganisa ng Japan Information and Culture Center (JICC) kung saan nakatanggap sila ng essential resource materials at natuto hinggil sa kultura ng Japan.

-Roy Mabasa