Dumoble ang mga ipinupukol na batikos kay US President Trump hinggil sa Helsinki summit kasama si Russian President Vladimir Putin, matapos niyang ipahayag nitong Huwebes na “looking forward” siya na muling makapulong si Putin— na malaki ang posibilidad na idaos sa Washington sa tag-lagas.
Inulan ng batikos si Trump hinggil sa umano’y tila pagyakap sa pinuno ng Russia ngayong linggo— ang ‘di niya pagsang-ayon sa sariling intelligence agencies at ang naging opinyon nito sa umano’y pakikialam ng Moscow sa halalan noong 2016.
Ipinagkibit-balikat naman ni Trump ang mga kritisismong ibinabato sa kanya at sinisi ang “fake news media” sa hindi pagkilala sa kanyang mga napagtagumpayan.
“The Summit with Russia was a great success, except with the real enemy of the people, the Fake News Media,” pahayag ni Trump sa kanyang Twitter. “The Fake News Media wants so badly to see a major confrontation with Russia, even a confrontation that could lead to war.” (AFP)