NAPUNO ng makukulay na sining na likha ng mga taong may autism (People with Autism/PWA) ang malawak na auditorium ng Laoag City Hall, kamakailan.
Sa pamamagitan ng inisyatibo ng Autism Society Philippines-- Laoag Chapter, sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Laoag at ng Ilocos Norte National High School—Special Program in the Arts – mahigit 100 PWA ang nahikayat na ilabas ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng sining sa aktibidad na tinawag na “AUsome Art Workshop.”
Gamit ang iba’t ibang kulay at pangguhit, naging makulay na likha ang mga blakong papel ng mga kalahok. Ilan sa mga likha ng mga PWA ang nagpapakita ng makukulay na puno, ilog, mga hayop at ilang abstract.
Sa pamamagitan ng pagtingin sa kakayahan ng mga kalahok sa halip na kakulangan, sinabi ni ASP-Laoag City Chapter president Genevieve Arcangel, na “awareness and acceptance of these children with autism should start from us parents.”
Bilang isang magulang ng batang may autism, ibinahagi niyang maraming pamilya ang dumaraan sa mahihirap na pagsubok tulad niya.
“If our regular children are being bullied, how much more our ‘special’ children? Sana, bawas-bawasan natin ang paggamit ng mga salitang ‘abnormal’ or ‘hindi normal’ kasi masakit sa amin ‘yon na magulang ng bata. Maliit lang na bagay,” ani Arcangel.
Bilang pangulo ng bagong tatag na organisasyon ng ASP sa lungsod, malaki, aniya, ang kanyang pasasalamat sa dumaraming bilang ng sumusuporta sa adbokasiya ng bansa.
Sa Pilipinas, sa pagtataya ng ASP, umaabot sa 1.2 Pilipino ang nabibilang sa hanay ng may autism. Noong 2012, nasa kalahating milyon ang naitala.
“We need more support and collaboration because we can’t do it on our own,” pahayag ni Arcangel habang iniulat niya ang mga inihandang aktibidad bilang suporta sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Bilang nurse, sinabi ni Arcangel na mas madaling alagaan ang isang batang may autism kung maagang matutukoy ang sakit.
“The first three years of life of a child is the most crucial. Once there are indicators of a child’s neurological disorder or disease of the brain, we should seek professional help already in order for the child to catch up,” paliwanag niya.
Sa idinaos na art workshop na dinaluhan ng tatlong pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, naghawak kamay ang mga stakeholders upang magbigay kaalaman sa publiko tungkol sa autism.
“Seeing these angels doing their obra maestras truly captivated me. I always dream of livi ng in a world that is fair and equal and now I am starting to see this kind of world,” pagbabahagi ni Rogie Balino, isang youth volunteer sa Laoag City na tumulong sa pagsasagawa ng aktibidad.
PNA