Tumatanggap ngayon ng mga Pinoy nurse ang Germany, sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government project ng German Federal Republic, na pinangangasiwaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang aplikante ay dapat na isang Pilipino at permanenteng residente ng Pilipinas na may degree sa Bachelor of Science in Nursing, may aktibong Philippine Nursing License, at may ilang taon nang karanasan sa propesyon sa mga ospital, mga rehabilitation center at mga institusyon sa pangangalaga.

Dapat din silang sumailalim o magkaroon ng kasanayan sa German language (na babayaran ng employer), at dapat silang dumalo sa klase ng wika sa Oktubre at Nobyembre 2018. O kaya naman ay dapat na mayroon silang B1 o B2 Language Proficiency Level, alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang mga papasang aplikante ay magkakaroon ng buwanang suweldo na magsisimula sa €1,900 (gross) na tataas hanggang €2,300.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang employer ang magbabayad ng visa at airfare mula sa Pilipinas patungong Germany, at tutulong sa empleyado na maghanap ng angkop na tirahan. Sagot na ng mga mapipiling nurse ang gastos para sa kanilang board and lodging.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay dapat magrehistro online sa www.ereqister.poea.gov.ph at personal na isumite ang mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng “Aleman Federal Employment Agency RSF No. 180018”, sa Manpower Registry Division, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg., Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.

-Mina Navarro