MAHAL ni Alden Richards ang matatanda dahil may lolo at lola pa siyang kasama sa bahay nila, sina Lolo Danny at Lola Linda, kaya hindi kataka-taka na ginawa ng GMA Records ang music video ng new single niyang I Will Be Here sa isang home for the aged sila nag-shoot.

Alden copy

Hindi lamang basta nila kinunan ang mga lolo at lola na nakatira roon, kundi sumama pa si Alden sa shoot. Kaya naging isang special day iyon para sa mga elderly dahil after the shoot, nag-stay pa si Alden at nakisalo sa kanila.

Tamang-tama kasi ang lyrics ng I Will Be Here para sa mga elderly, na bigyan sila ng pagpapahalaga kahit matatanda na sila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“For me, since everything is happening so fast lately, marami tayong nakakalimutan,” sabi ni Alden sa interview sa kanya ng GMA Network. “The music video is a reminder na nand’yan pa sila. We still have people that we should take care of. That’s really the purpose of the video – for people to be reminded na nand’yan pa sina lolo at lola.”

Si Alden ang personal na pumili ng I Will Be Here na maging single ng kanyang bagong album. Hindi na rin nakabibigla na first day pa lamang na i-release ang single ay nag-top agad ito sa iTunesPH.

Balik-trabaho na muli si Alden pagkatapos niyang mag-shoot ng mga eksena sa Victor Magtanggol abroad. Nitong Lunes, July 16, as promised, bumalik siya on time sa celebration ng kanilang third anniversary ni Maine Mendoza at pagkakabuo ng AlDub Nation (ADN) sa Eat Bulaga.

Nag-taping na rin siya ng guesting ng cast sa Sunday PinaSaya para sa Tonight With Arnold Clavio, kasabay ng selebrasyon ng kanilang month-long 3rd year anniversary ngayong Agosto, kasama sina Marian Rivera, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Boobsie at iba pa.

Back to taping na rin si Alden ng Victor Magtanggol sa direksiyon ni Dominic Zapata. Malapit na ang kanilang pilot week na ipalalabas bago matapos ang July.

-NORA V. CALDERON