NAKATAKDANG lumahok ang may walong Filipinong mga siklista sa idaraos na Prudential Ride London bago matapos ang buwan.

Kaugnay nito ay may magaganap na formal send-off para sa delegasyon ngayon sa Brewery at The Palace sa BGC, Taguig City.

“We have our Filipino contingents who will carry our flag in London, we will honor them and cheer them as they prepare to give us pride in London,” pahayag ni Allan Tumbaga, Pru Life UK Senior Vice President and Chief Marketing Officer, sa kanyang pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association forum noong Martes sa Tapa King sa Cubao.

Ang Philippine contingent, na magkakatulong na sinusuportahsn nina Jermyn Prado ng Standard Insurance, Ishmael Gorospe ng Go For Gold at Jeremy Marana at Aidan Mendoza ng Team Corratec ay sasabak sa Prudential Ride London, ang pinakamalaking cycling festival sa buong mundo sa Hulyo 28-29.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang all-expense paid trip sa London ay bahagi ng premyo ng mga winning riders sa nakaraang Pru Ride Pilipinas series na idinaos noong Enero sa Subic at BGC sa Taguig.

“We are doing this annually in the Philippines and in London to promote recreational activity, especially cycling, that encourages people to cycle more safely and more often,” dagdag pa ni Tumbaga.

“We promote use of bike going to the workplace. In our office, we have showers for our employees who go to work by bike. The more bikers we have, the more we help conserve our environment and decongest traffic.”

-Marivic Awitan