IPEI – Natikman ng Team Philippines-Ateneo ang ikalawang dikit na kabiguan nang masalanta ng 3D Sports Global Sports-Canada, 86-78, nitong Martes sa 2018 William Jones Cup sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City.

Kumubra si Matt Nieto ng 18 puntos, habang kumana si Thirdy Ravena ng 12 puntos para sa Pinoy squad na bigong masundana ng impresibong opening day win laban sa Chinese Taipei Team-B.

Nanguna sa Canada sina Shaquille Keith na may 18 puntos habang tumipa si Connor Wood ng 16 punyos para sa Canadian na umabot ang bentahe sa pinakamalaking 27 puntos tungo sa ikaapat na sunod na panalo.

Naghabol ang Blue Eagles sa 35-14 matapos ang matikas na opensa nina Wood at Logan Stutz.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Subod na haharapin ng Blue Eagles ang Japan Miyerkoles ng gabi.

Iskor:

Canada 86 – Keith 18, Wood 16, Thomas 14, Kyser 12, Stutz 10, Post 9, Campbell 7, Gyamfi 0.

Ateneo 78 – Ma. Nieto 18, Ravena 12, Wong 11, Mi. Nieto 10, Go 8, Black 5, Kouame 4, Navarro 4, Andrade 3, Tio 2, Asistio 1, Maagdenberg 0.

Quarters: 35-14; 51-27; 68-54; 86-78