Lumobo sa 154 ang nawawalang container na inilabas sa Mindanao International Container Terminal Services, Inc. (MICTSI) simula Enero 2018 hanggang sa kasalukuyan, pagsisiwalat ni Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Sa pinakabagong resulta ng bilang ng mga kargamento sa Mindanao Container Terminal (MCT), mula sa 110 containers noong Pebrero, nasa kabuuang 154 ang nadiskubreng nawawala sa container yard ngayong taon dahil sa “swing operation” at “release now file later” scheme.

“The Bureau of Customs recently found out of the swing modus operandi at the Mindanao Container Terminal. The illegal scheme was done using the pre-assessment Customs-Single Administrative Document print out from the Value Added Service Provider (VASP) with bogus stamp of ‘subject for x-ray’ or ‘for transfer to MCT-Customs Clearance Area’,” sambit ni Lapeña.

Samantala, ang “Release and File Entry Later” scheme ay ang paglalabas sa mga kargamento mula sa kustodiya ng Customs na may kaakibat na import entry na inihain ilang araw matapos ilabas.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

-Betheena Kae Unite