Blackwater at NLEX, humirit sa Asia League
MACAU --- Matikas na sinimulan ng Blackwater Elite at NLEX Road Warriors ang kampanya sa Asia League Super 8 sa impresibong panalo nitong Martes sa East Asia Games Dome dito.
Sa harap nang nagbubunying Overseas Filipino Workers (OFW) ginapi ng Elite ang Seoul Samsung Thunders, 78-67,
Sunod nilang makakaharap ang. China’s Guangzhou Long Lions para sa solong liderato sa Group B.
Giniba naman ng Road Warriors ang Formosa, 94- 68. Nakalinya sa kanilang kampanya sa Group A ang Etland Elephants.
Hataw si JP Erram sa naiskor na 20 puntos mula sa 9-of-11 shooting, 16 rebounds, tatlong blocks, dalawang assists, at dalawang steals para sa Elite, habang kumana si Raymar Jose ng 14 puntos at anim na boards.
Nag-ambag si Paul Zamar ng 11 puntos.
Umarya ang Blackwater sa first half, ngunit ratsada sa second half ang karibal para makadikit sa 66-62 mula sa split free throw ni dating Phoenix import Lee Gwan Hee sa kalagitnaan ng final period.
Nagpakatatag ang Elite ay nakipagpalitan ng puntos sa krusyal na sandal bago tuluyang nakalayo mula sa 10-0 run at mahila ang bentahe sa 76-62 may 1:37 ang nalalabi sa laro.
Iskor:
(Unang Laro)
BLACKWATER 78 – Erram 20, Jose 14, Zamar 11, Belo 9, Maliksi 8, DiGregorio 7, Banal 3, Javier 2, Palma 2, Pinto 2, Sumang 0.
SEOUL SAMSUNG 67 – Kim DU 16, Kim HS 16, Lee 12, Cha 7, Cheon 6, Bae 5, Hong 3, Jang 2, Choi 0.
Quarters: 21-16, 41-37, 63- 59, 78-67.
(Ikalawang Laro)
NLEX 94 - Ighalo 14, Quinahan 1 2 , Soyud 1 2 , Tiongson 9, Buenafe 9, Marcelo 8, Taulava 7, Gotladera 7, Baguio 6, Uyloan 5, Tallo 3, Monfort 2
Formosa 68 - Chien 18, Yang 13, Barratt 12, Wu 11, Lin 5, Chih 4, Wei 3, Li 2, Lee 0, Cai 0, Chieh 0.
Quarterscores: 26-14, 58-27, 79-42, 94-68