SYDNEY (AP) — Naghahanda ang Football Federation Australia sakaling matuloy ang hangarin ni Usain Bolt na maglaro sa Central Coast Mariners sa A-League.

Batay sa ulat nitong Martes (Miyerkoles sa Manila), pumayag ang 31-anyos na eight-time Olympic sprint gold medalist, para magtryout sa Mariners sa susunod na buwan at inaasahang mabibigyan ng isang taong kontrata sa A-League.

Ngunit, para matuloy, kailangang itaas ng FFA ang salary offer kay Bolt mula sa US $3 million para makahila ng iba pang “marquee” players. Handa umano ang Mariners owner na balikatin ang 70 percent sa suweldo ni Bolt.

“While Usain Bolt is one of the most famous athletes on the planet, he’s not a professional footballer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“If the trial goes ahead and Central Coast Mariners decided it stacks up and they want to offer him a contract, then we will have a discussion with them around that and what might be possible,” pahayag ng FFA.

Nagretiro na si Bolt sa athletics at nagtangkang magtryouts sa Germany’s Borussia Dortmund at South Africa’s Mamelodi Sundowns.