WASHINGTON (AFP) – Sinikap ni President Donald Trump nitong Martes na malimitahan ang pinsala mula sa kanyang summit kay Vladimir Putin, sinabing nagkamali lamang siya ng banggit at nagmukhang tinanggap niya ang pagtatanggi ng Russian leader sa election meddling – na isang pagkontra sa US intelligence chiefs.

Sa kanilang pagpupulong sa Helsinki nitong Lunes, hindi hinamon ni Trump si Putin kaugnay sa 2016 presidential election, at tila tinatanggap nang harapan ang pagtanggi ng diktador na nakialam ang Moscow para matalo niya si Hillary Clinton ng Democrat.

Ngunit naharap sa galit sa pagbalik niya sa Amerika, sinikap niyang bawiin ang kanyang mga sinabi.

‘’In a key sentence in my remarks, I said the word ‘would’ instead of ‘wouldn’t’,’’ ani Trump, nagsasalita sa White House bago ang pakikipagpulong sa Republican lawmakers.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

‘’The sentence should have been, ‘I don’t see any reason why it wouldn’t be Russia.’ Sort of a double negative,’’ dagdag niya.

Muli rin niyang pinalutang ang idea na maaaring ‘’other people’’ ang sangkot.

Mabilis na sumagot si Senate Democrat Chuck Schumer. ‘’President Trump tried to squirm away from what he said yesterday. It’s 24 hours too late, and in the wrong place,’’ banat ni Schumer